Operasyon ng MRT sa Linggo, Marso 22, paiikliin

by monaliza | March 20, 2015 (Friday) | 1139

MRT

Magkakaroon muli ng maiksing operasyon ang Metro Rail Transit sa Marso 22, araw ng Linggo para bigyang daan ang rehabilitasyon ng riles.

Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), sa halip na alas-5:30 ng madaling araw, alas-10:00 ng umaga na magsisimula ang unang biyahe ng MRT.

Papalitan ng MRT ang halos 200 metrong riles sa pagitan ng Taft Avenue at Magallanes station.

Patuloy rin ang pagsasaayos ng mga comfort room ng MRT at inaasahang matatapos sa buwan ng Setyembre.

Tags: , , ,