Suspindido na ngayon ang pasok at pagdinig sa mga korte sa Makati city ngayong araw.
Napagpasiyahan ni Makati Regional Trial Executive Judge Selma Alaras na suspendihin ang operasyon sa mga municipal at regional trial court sa lungsod dahil sa pagdagsa ng mga tagasuporta sa city hall kaugnay ng pagsuspinde ng Ombudsman kay Makati City Mayor Junjun Binay.
Ang mga korte sa Makati city hall ay matatagpuan mula sa ika-10 hanggang ika-19 na palapag ng gusali.
Half day naman ang skeletal force ng mga korte.
Tags: korte, Makati City, Mayor Junjun Binay, Ombudsman, suspension