Operasyon ng 2 App-Based Transport Service, pinatitigil ng LTFRB

by Radyo La Verdad | January 30, 2017 (Monday) | 931


Pinahihinto ng land transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang operasyon ng dalawang application-based transport service na Wunder Carpool at Angkas.

Ito ay dahil hindi pa anila nakakasunod ang sa mga requirement ng pamahalaan para mabigyan ng accreditation bilang Transport Network Company o TNC.

Kapag hindi pa anila itinigil ng mga ito ang kanilang operasyon ay mapipilitan ang ahensya na gumawa ng hakbang na legal laban sa mga ito.

Paalala ng LTFRB sa publiko, ang mga TNC lamang na Grab, Uber at U-hop ang app-based transport service pinapayagang mag-operate sa bansa.

Tags: ,