Online singing competition na WISHcovery, nagsimula na

by Radyo La Verdad | September 11, 2017 (Monday) | 1949

Umere na sa digital space ang pinakaabangang talent search ng WISH 107-5, ang WISHcovery. Noong Sabado ay natunghayan ng publiko kung paano nagsimulang mabuo ang unique na konsepto ng online singing competition.

Ipinakita rin sa pilot episode ang naging search for WISHful 20 mula sa on-ground at online auditions. Gayundin, ipinakilala sa madla ang mga resident reactor ng programa na sina Philippines’ King of R&B Jay-R, vocal coach Annie Quintos at music producer Jungee Marcelo.

Sa kanila magmumula ang 70% ng scores ng performance ng WISHful 20 na isasagawa sa first and only FM-on-wheels, ang WISH bus.

Samantala ang tatlumpung porsyento naman ay manggagaling sa pulso ng masa sa pamamagitan ng power viewing sa video ng kanilang paboritong WISHful.

Two million peso-worth of cash and contract, brand new car at house and lot ang naghihintay sa kaunaunahang WISHcovery grand champion. Bukod pa rito ang pagkakataong makilala sa buong mundo.

Ang WISHful 20 ay hinati sa apat na grupo. Isang grupo ang sasalang bawat linggo at sa WISHcovery episode tuwing Sabado ay iaanunsyo kung sino ang isang matatanggal.

Ang WISHclusive performances ng unang batch ng WISHful 20 ay mapapanood na sa first youtube channel ng WISH 107-5 simula mamayang alas nwebe ng gabi.

Ang official counting ng youtube views ay hanggang Biyernes, alas dose ng tanghali.

 

(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)

 

 

 

 

 

Tags: , ,