One-week transition para sa mga nahalal sa BSKE 2023, pinag-aaralan ng Comelec

by Radyo La Verdad | October 31, 2023 (Tuesday) | 13400

METRO MANILA – Nananawagan ang Commission on Election (Comelec) na magkaroon ng isang linggong transition period bago maupo sa opisina ang mga naiproklamang opisyal ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ito ang posisyon ng Comelec matapos ang desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang postponement ng BSKE.

Sinabi din ni Chairman Garcia na nakipag-usap na siya kay DILG Secretary Benhur Abalos kung maaaring pag-aralan ng DILG na magkaroon ng transition period.

Dagdag ni Chairman Garcia, kung mauupo agad ang mga naiproklamang nanalo ay maaaring magkaroon ng kaguluhan dahil kailangan din na mai-transfer ng maayos ang mga kagamitan, pondo at mga dokumento.

Tags: , ,