Oil tanker vessel na nasunog sa Bataan, walang kargang langis; oil spill, hindi dapat ipangamba– PCG

by Radyo La Verdad | December 16, 2016 (Friday) | 1183

pcg-bataan
Pinawi ng Philippine Coast Guard ang pangamba ng mga residente sa Limay, Bataan sa pagkakaroon ng oil spill matapos masunog ang isang oil tanker vessel.

Ayon sa PCG Bataan, wala pa itong kargang langis nang mangyari ang insidente at nag-aabang pa lang ito na makargahan ng langis mula sa Petron Bataan Refinery.

Sa inisyal na report ng potoridad, ang Reia Faye na pagmamay- ari ng Reild Marine Services and Trading ay nasa malapit sa baybayin ng Barangay Luz nang magkaroon ng mechanical failure ang generator nito kung saan nagsimula ang sunog.

Tags: , , ,