Oil Price Rollback ipatutupad ng mga kumpanya ng langis, Bukas (March 3)

by Erika Endraca | March 2, 2020 (Monday) | 1228

METRO MANILA – Magpapatupad ng mahigit P1.00 rollback sa presyo ng produktong petrolyo at Liquified Petroleum Gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis Bukas (March 3).

Base sa abiso ng kumpanyang Seaoil at Shell, epektibo Bukas ng alas-6 ng umaga bababa ng  P1.40 ang kada litro ng kanilang gasolina, P1.60 sa Diesel at P1.65 naman sa Kerosene.

Kaparehong bawas presyo rin ang ipatutupad ng Petro Gazz sa gasolina at diesel.

Samantala una nang nagpatupad ng rollback ang clean fuel at Phoenix petroleum nitong weekend.

Nagpatupad narin ng P3.90  per kilo na na bawas presyo sa LPG ang petron Kaninag madaling araw. P2.20 per liter naman sa auto LPG.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: