Oil companies may panibagong bigtime price hike ngayong araw

by Radyo La Verdad | May 10, 2022 (Tuesday) | 487

METRO MANILA – Big-time price hike na naman sa produktong petrolyo ang ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ngayong araw (May 10).

Epektibo kaninang 12:01 ng madaling araw, unang nagdagdag ng P4.20 sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel ang Caltex Philippines Incorporated.

Samantalang P5.85 naman sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Sunod na nagpatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene ang Shell, Petron, Seaoil at Flying V kaninang alas-6 ng umaga.

Ang Unioil, Total Philippines, Phoenix petroleum, Petrogazz, PTT Philippines at Jetti naman ay nagdagdag din ng P4.20 sa kada litro ng gasolina at diesel.

Nagpatupad naman ng kaparehong dagdag presyo sa kada litro ng gasolina at diesel ang Cleanfuel kaninang 8:01 ng umaga.

Tags: