NPD Director Roberto Fajardo, sinibak sa pwesto kaugnay ng pagkamatay ni Kian Delos Santos

by Radyo La Verdad | August 23, 2017 (Wednesday) | 2306

Tinanggal na sa pwesto ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang direktor ng Northern Police District na si Police Chief Superintendent Roberto Fajardo.

Ayon sa hepe ng Pambansang Pulisya, ginawa ito upang hindi magkaroon ng dungis ang isinasagawang imbestigasyon sa pagkamatay ng dies y siete anyos na Kian Llyod Delos Santos.

Command responsibility umano ni Fajardo kung ano ang nangyayari sa kanyang nasasakupan. Papalitan si Fajardo ni Metro Manila Police Deputy Regional Director Chief Superintendent Amando Empiso.

 

Tags: , ,