NPC, nilinaw na wala pang desisyon kung sino ang ieendorso sa 2016 poll

by Radyo La Verdad | July 22, 2015 (Wednesday) | 930

NPC 1
Nilinaw ng National Peoples Coalition, na nagsasagawa pa ito ng konsultasyon sa mga miyembro nito kung sino ang eendorsong Presidente at Bise Presidente natatakbo sa 2016 National Elections.

Ayon kay NPC President Rep. Giorgidi Aggabao na isa sa criteria ng kandidatong kanilang eendorso ay ang makapagpapatuloy sa mga programa ni Pangulong Aquino.

Sinabi naman ni NPC Spokesperson Mayor Rex Gatchalian na pagdating sa pulitika ay gagawa ang NPC ng sariling nitong desisyon.

Ayon naman kay Aggabao, marami sa kanilang mga naka-usap na miyembro ng NPC ay gustong eendorso ang tambalang Senator Grace Poe – Chiz Escudero.

Nagpahayag rin ng tiwala si Aggabao sa kakayahan ng dalawang senador na ipagpatuloy ang reform agenda ni Pangulong Aquino.

Sinabi rin nito sa oras na makapagdesisyon na ang grupo kung sino ang eendorso, tiyak na susuportahan ito ng lahat ng miyembro.

Sa ngayon wala pang pormal na pahayag si Senator Poe at Senador Escudero kung tatakbo sila sa pangulo o pangalawang pangulo ng bansa sa 2016 elections.

Tags: , ,