NPA, pumasok na sa kidnap for ransom activities – PNP Chief Ronald Dela Rosa

by Radyo La Verdad | February 27, 2018 (Tuesday) | 3788

Lider ng New Peoples Army Bagong Hukbong Bayan Bulacan Chapter ang kumidnap kay Raziel Bungay sa Laguna noong December  2017.

Ang mga ito rin ang nakapatay kay PSupt. Arthur Masungsong,  ang hepe ng Luzon Field Unit ng Anti-Kidnapping Group habang inililigtas si Bungay noong Disyembre nang nakaraang taon.

Nabisto ito matapos na madakip ng PNP-AKG ang suspek na si Donato Jacob na lider ng Bagong Hukbong Bayan sa Bulacan.

Si Jacob din umano ang collector ng NPA sa pangingikil sa mga pulitiko, fishpond owner at quarry operators sa Bulacan.

Ayon kay PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa, patunay lamang ito na pumasok na ang kidnapping for ransom ang NPA.

Sa sagupaan, napatay ang apat sa miyembro ng grupo ni Jacob habang hinahanap pa ang nakatakas na si Jessie Buenavista alyas Jan-Jan.

Iniimbestigahan din ng AKG ang impormasyon na pulitiko ang adviser ng grupo ni Jacob.

Kasama ding iprinisent ni Bato sa media ang isa pang kidnapping suspek na dating sundalo na si Brandall Mark Cacatian na ika-walo sa wanted list ng AKG dahil sa pagkakasangkot sa kinapping cases noong 2012 at 2014.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,