NPA, pinakawalan ang pulis na bihag kay Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | July 31, 2017 (Monday) | 3761


Pinakawalan ng New People’s Army kay Pangulong Rodrigo Duterte ang bihag nitong pulis kagabi sa Davao City.

Sa larawang inilabas ng Malakanyang, personal na sinuri ni Pangulong Duterte ang kondisyon ni Police Officer Alfredo Basabica sa Tactical Operations Group 11 Headquarters.

Pinakawalan si Basabica noong July 28, isang araw bago sana ang nakatakdang kasal nito.

Binihag si Basabica ng NPA habang nakasakay ito sa isang bus pauwi sa kanila sa Compostela Valley noong July 11.

Tags: , ,