NPA, itinuturong nasa likod ng pagpatay sa isang pulis sa Albay

by Radyo La Verdad | March 22, 2017 (Wednesday) | 3685


May hawak nang impormasyon ang Philippine National Police Albay sa posibleng nasa likod ng pamamaslang kay PO1 Ruben Payadyad Jr. sa Ligao City, Albay.

Lunes ng gabi nang barilin ng dalawang lalaki si Payadyad habang naka-duty sa mismong sentro ng siyudad.

Nakipagpalitan pa ng putok ang biktima sa mga suspek subalit tinamaan ito sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Ayon kay Police Chief Inspector Arthur Gomez, tagapagsalita ng PNP Albay posibleng miyembro ng New Peoples Army ang may kagagawan ng krimen batay na rin sa mga nakalap nilang testimonya.

Dati na rin umanong nirecruit ng NPA si Payadyad bago pa ito naging pulis.

Panawagan ng pamilya ng biktima na malutas agad ang kaso ng pagpatay sa kanilang kaanak.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , ,