Naghari sa ikalawang sunod na taon sa Wimbledon championships si Serbian tennis superstar Novak Djokovic matapos daigin sa finals ng men’s singles, si seven-time winner Roger Federer, 7-6, 6-7, 6-4 at 6-3.
Napigilan ng world’s number 1 netter ang mga power serves ng Swiss counterpart at sinamantala ang 35 unforced errors ng karibal upang ipanalo ang match at sungkitin ang ikatlong titulo ng all England club.
Sa kabuuan ay tangan ni Djokovic ang siyam na major title, kabilang na rito ang korona ng 2015 Wimbledon.
Samantala, hangad ni NBA all-star player Paul George na ituloy ang pangarap na makapaglaro para sa team U.S.A. sa darating na 2016 Olympics, sa Rio de Janeiro, Brazil.
Handa na umano ang Pacers forward-guard na makasama sa training camp at maging bahagi ng national squad na kakampanya sa pagsungkit ng gintong medalya sa quadrennial games.
Matatandaan na hindi na nakapaglaro si Paul George sa 2014 FIBA World Cup nang magtamo ito ng malubhang right leg injury sa ensayo ng U.S. men’s basketball team. Nakabalik lamang ito sa NBA noong Abril, matapos ang walong buwang rehabilitation.
Tags: FIBA World Cup, Novak Djokovic, Paul George, Roger Federer, Wimbledon