Notoryus na snatcher sa Maynila, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis

by Radyo La Verdad | August 2, 2017 (Wednesday) | 1607

Dead on the spot ang notorious na snatcher na si Jinggoy Baholo, 26 anyos, nang makipagbarilan ang mga otoridad sa ilalim ng Mc. Arthur bridge sa Lawton Ermita bandang alas diyes kagabi.

Bago ito, isang lalake ang hinablutan umano ng cellphone ng suspek. Tyempo na nakaantabay ang dalawang pulis sa di kalayuan kung kaya’t agad na nakapagsumbong ang biktima at tinugis ang suspek.

Nang magpang-abot ang mga ito ay pinaputukan umano ng suspek ang mga pulis gamit ang isang sumpak. Napilitan namang gumanti ang mga otoridad sa suspek na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa tyan na ikinasawi nito.

Ayon sa otoridad, nasa drug watchlist din si Jinggoy at itinuturing na notorious na snatcher sa lugar. Na-recover kay Jinggoy ang sumpak o improvised handgun, dalawang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

 

(Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,