Inilagay sa code red weather alert ngayon ang North Dutch Provinces sa The Netherlands kasunod ng pananalasa doon ng black ice at snow.
Nabalot ng black ice ang maraming kalsada sa lugar kung saan nagdulot ito ng pagkaantala sa daloy ng trapiko at ilang aksidente habang rush hour.
Wala namang grabeng nasugatan sa mga nangyaring aksidente.
Ngunit nagbabala ang mga otoridad sa mga residente na doblehin ang pag-iingat sa pagmamaneho dahil sa napakadulas na daan.
Tags: black ice, North Dutch Provinces, snow