Nirespondehan ng UNTV News and Rescue ang isang motorcycle accident sa Barangay Tacolod Canaman lalawigan ng Camarines Sur

by Radyo La Verdad | October 22, 2015 (Thursday) | 1267

gerry_tmbb
Dakong alas dyes ng umaga kanina papuntang trabaho si Marvin Hobayan residente ng Barangay Sabang, Naga city angkas ang kasama nito sa trabaho.

Habang binabagtas ang kalsada ng Canaman ng tumawid ang isang aso dahilan upang mawalan ng balanse ang biktima.

Nagtamo ng laceration o hiwa sa kanang binti ang biktima matapos mabuwal sa motorsiklo.

Wala namang tinamong sugat ang kasama angkas nito.

Agad namang binigyan ng pangunang lunas ng myembro ng UNTV News and Rescue Team ang biktima.

At agad namang isinugod sa Bicol Medical Center ang biktima upang mabigyan ng kaukulang medikasyon ng mga doktor.(Gerry Galicia/UNTV Correspondent)

Tags: , ,