NHA Builders, naitala ang unang panalo sa UNTV Cup

by Radyo La Verdad | September 7, 2015 (Monday) | 1204

UNTV CUP 2
Tinapos ng NHA Builders ang apat na dikit na pagkatalo na nag-umpisa pa sa Season 3

Matapos na talunin ang DOJ Boosters 85-79 sa elimination round ng UNTV Cup Season 4 sa Ynarez Sports Arena.

Come-from–behind ang panalo ng Builders na tinambakan ng Boosters ng 21 points sa first half 43- 22

Sa second half nagsimulang umatake ang NHA at nahabol ang 21 –point deficit at nakuha ang abante sa katapusan ng third quarter 60-57.

Pinangunahan ni Antonio Lustestica Jr. ang pwersa ng NHA Builders na umiskor ng 25 points kabilang ang 4 na three points.

Nag-ambag rin ng 16 points at 16 rebounds si Marvin Mercado para sa NHA at combined 17 points, 12 assist at 8 steals ang magkapatid na Waldemar at Raph Tibay.

Nanguna naman sa DOJ Justice Boosters si Jorel Canizares na may 34 points at 8 rebounds. (Bernard Dadis / UNTV News)

Tags: , ,