Newly discovered dive sites sa Morong Bataan, tampok sa ginanap na Diving Resort Travel Expo sa Hong Kong

by Radyo La Verdad | December 19, 2017 (Tuesday) | 3994

Isinagawa sa Hong Kong ang pinakamalaki at pinakaprestihiyosong Diving Expo sa Asya. Isa sa mga tampok dito ang mga bagong diskubreng dive sites sa Morong, Bataan.

Maituturing ito na pinaka prestihiyoso at pinakamalaking Diving Resort Travel Expo sa Asya. Nilahukan ito ng dalawandaang exhibitors mula sa iba’t-ibang bansa.

Tampok dito ang mga pinakabagong diving gears, liveaboards trips, diving resorts at iba’t-ibang seminars mula sa mga kilalang diving instructors. Isa sa mga itinampok sa expo ang mga bagong diving sites sa Morong, Bataan bilang alternatibong destinasyon para sa mga diving enthusiast.

Sa suporta ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan at pakikipagtulungan ng Professional Scuba Diving International  Dive Center sa Morong Bataan, sa awa ng Maykapal ay naging matagumpay ang pagbabandila natin ng natatagong yamang dagat.

Mapapanood ang kabuoan ng Diving Resort Travel Show sa Hong Kong sa special episode ng programang The Dive. Ang susunod na Diving Resort Travel Show ay sa darating na Pebrero sa susunod na taon, nagaganapin naman sa Malaysia.

 

( Bryan Evangelista / UNTV Correspondent )

Tags: , ,