Net worth ni VP Leni Robredo, bumaba batay sa isinumite niyang SALN

by Radyo La Verdad | May 16, 2017 (Tuesday) | 1819


Bumaba ang net worth ni Vice President Leni Robredo sa nakalipas na anim na buwan.

Batay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN, mula sa mahigit labing isang milyong piso noong June 2016 ay bumaba ito sa mahigit eight million, eight hundred thousand nitong Disyembre.

Nabawasan din ang kanyang total assets na umabot sa mahigit labinlimang milyon mula sa halos labing walong milyon noong 2016.

Nananatili naman sa 6-point-9 million pesos ang kanyang liabilities.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,