Net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, tumaas noong Hunyo 2019 – SWS

by Erika Endraca | July 9, 2019 (Tuesday) | 5528

MANILA, Philippines – Tumaas ang net satisfaction rating ng mga pilipinong may sapat na gulang para kay Pangulong Rodrigo Duterte.Ito ang resulta ng second quarter 2019 Social Weather Survey (SWS) na isinagawa noong June 22 hanggang 26, 2019 sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

Lumalabas na kumpara sa net satisfaction rating ng pangulo noong Marso, ang gross satisfaction ng mga pilipino sa lider ng bansa ay tumaas nang isang punto.

Katumbas ito ng +68 net satisfaction rating, na dalawang puntos ang iniangat kay sa pinakamataas na naitalang rating ng pangulo na resulta ng kaparehong survey noong Marso na +66.

Siyam na porsyento naman ng mga adult filipino ang hindi tiyak kung nasisiyahan o hindi.

Habang labindalawang porsyento naman ang hindi nasisiyahan sa performance ng pangulo. Kung pagkukumparahin naman ang kalalakihan sa kababaihan,

Nanatiling very good ang satisfaction rating ng punong ehekutibo noong hunyo sa record high o pinakamataas na naitatala na +69, o apat na puntos na mas mataas kaysa noong Marso. Katulad ito ng naitala noong june 2017.

Very good pa rin ang pangulo para sa kalalakihan. +67 points ang naitala noong nakaraang buwan, bagamat mababa ito nang isang punto kumpara noong marso. Very good din ang pangulo para sa mga mamamayan kapwa sa urban at rural areas.

Sa mga estudyante naman, excellent ang ibinigay na grado ng mga high school graduates sa pangulo sa bagong record high na +74 noong Hunyo, mula sa very good rating. Nanatiling very good ang president para sa mga elementary school graduate

Ngunit bumaba ang rating na ibinigay ng mga college graduates maging ng mga non-elementary school graduates. Ang dating excellent noong Marso ay very good na lamang noong Hunyo. Para naman sa pangulo, hindi ang mahalaga ay ang rating, kundi ang pagsasakatuparan ng kanyang trabaho.

“Wala. Ako, basta alam mo naman ako, i do not go for this kind of things. Basta ako, trabaho lang. As always, sinabi ko, if you are satisfied with my work, then i’m happy. If you are not satisfied, then i’ll work more. Dagdagan ko ‘yung pawis ko. Pero to be sabihin mo maintaining a. I don’t know anong nagawa ko. Basta ginagawa ko ‘yung” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa 1,200 na pilipinong may edad na labingwalo pataas. 

Tags: , ,