Muling niyanig ng malakas na lindol ang Nepal ngayong hapon.
Naitala ito sa 7.4 magnitude, 68 kilometers West ng Namche Bazar, malapit sa Mount Everest.
Bunsod nito, bahagyang nagpanic ang mga tao sa Kathmandu at takbuhan palabas ng kanilang mga bahay.
Ngunit batay sa inisyal na ulat, wala pa namang napaulat na nasawi o nasirang mga gusali.
Naramdam din ang lindol sa Northern India.
Tags: Mount Everest, Nepal, Northern India