MANILA, Philippines – Mapipilitan si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang emergency powers sa lalong madaling panahon sa ilalim ng saligang batas tulad ng pagdedeklara ng martial law, kung hindi matitigil ang karahasan sa Negros Oriental ayon sa Malacañang. Lalo na kung irerekomenda iyon ng militar, pulisya at lokal na pamahalaan.
Iyon ay kahit umiiral pa rin ang State of National Emergency dahil sa lawless violence na unang idineklara ng punong ehekutibo matapos ang davao city bombing noong september 2016. Una nang nagpadala ng 300 tauhan ng special action force ang Philippine National Police sa Negros Oriental.
“He has many options under the constitution (like which one?), he can call the armed forces to quell the violence, he can declare martial law,” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.
Dagdag pa ng opisyal, posibleng magkaroon ng hiwalay na proklamasyon sa ginawang martial law declaration sa Mindanao.
Samantala sinisisi ng pamahalaan ang mga rebeldeng komunista dahil sa sunod-sunod na patayan sa lalawigan ng Negros Oriental kabilang na ang 4 na pulis, konsehal, isang dating alkalde, isang abugado at barangay captain.
“The unrest there has become widespread and is being used by communist rebels to use it as an excuse land claimants there are involved in armed hostilities and it is the communist rebels that arbitrarily choose who will occupy” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.
(Rosalie Coz | Untv News)