Negosasyon sa NDFP, pabibilisin ng Gov’t Peace Panel ng Duterte Admin

by Radyo La Verdad | June 10, 2016 (Friday) | 1093

SILVESTRO-BELLO
Nakatakdang dumalo ang peace panel ng Duterte government at National Democratic Front of the Philippines o NDFP sa isang humanitarian dialogue sa Oslo, Norway sa Miyerkules hanggang Huwebes sa susunod na linggo.

Kaya naman ayon kay Incoming Peace Panel Chairman Silvestre Bello the third sasamantalahin na rin ng mga itong magkita upang buhayin naman ang proseso ng peace talks ng pamahalaan at makakakaliwa.

Bahagi ito ng proseso ng peace negotiating panel ni President-Elect Rodrigo Duterte upang mapabilis ang usapang pangkapayapaan ng susunod na pamahalaan at ng NDFP.

“Ang proposal namin, kung maari sabay-sabay nang pag-usapan ang remaining issues para mapabilis.” Pahayag ni Incoming Peace Panel Chairman Silvestre Bello the third

Kung sakaling maging maganda ang resulta ng pag-uusap, ipi-presenta nila ito kay President Elect Duterte at pormal nang buuin at tapusin ang kasunduang pangkapayapaan ng pamahalaan at makakaliwa.

(UNTV RADIO)

Tags: ,