NDRRMC, nananawagan sa mga donor na iwasan ang magbigay ng mga pagkain na malapit nang mag-expire

by Erika Endraca | November 6, 2019 (Wednesday) | 2219

METRO MANILA – Nanawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council  (NDRRMC) sa mga nagnanais na magbigay ng tulong o donasyon sa mga biktima ng lindol na iwasan na magbigay ng mga pagkain na malapit nang mag-expire.

Sa mga nais namang pumunta sa mga apektadong lugar upang maghatid ng relief items hiling ng ahenya na makipag-ugnayan muna sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan upang masiguro ang maayos na maipamimigay ang kanilang donasyon.

Samanatala nilinaw ng NDRRMC na walang ‘humanitarian crisis’ na nangyayari sa Mindanao. Aminado si NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na hamon sa kanila ang mabigyan ng tulong ang lahat ng nangangailangan.

Pero tiniyak niya na kaya pang tugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng mga biktima at hindi pa aniya kinakailangan ng tulong mula sa ibang bansa. Sa mga nais magpadala ng tulong maaaring makipagugnayan sa NDRRMC o tumawag sa kanilang official hotlines.

(Harlene Delgado | UNTV News)      

Tags: