Nakalatag na ang seguridad na ipatutupad ng National Capital Region Police Office sa pagdiriwang ng Independence Day sa Linggo.
Ayon kay NCRPO PIO Chief PCINsp. Kimberly Molitas, naka full alert sila upang masiguro ang seguridad ng mga dadalo sa pagdiriwang.
Aniya limang lugar ang pagdarausan ng pagdiriwang na masusi nilang babantayan kabilang dito ang monumento sa Caloocan, Pinaglaban Shrine Sa San Juan, North Cemetery, Luneta at Quezon City Hall.
(UNTV RADIO)
Tags: Independence Day