NCR, mananatili sa Alert Level 1 sa November 1-15

by Radyo La Verdad | November 1, 2022 (Tuesday) | 11556

METRO MANILA – Mananatili sa ilalim ng Alert Level 1 mula November 1-15 ang National Capital Region (NCR) at 72 iba pang lugar.

Ayon sa Department of Health (DOH), ina­prubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bagong COVID-19 Alert Level System (ALS) classifications sa mga probinsa, highly urbanized cities, at independent component cities.

Base sa bagong ALS classifications, 89 sa 121 provinces, highly urbanized cities, at independent component cities at 192 mula sa 669 other component cities at municipalities ang nasa Alert Level 1.

Sa ilalim ng pinaka mababang Alert Level 1, ang intrazonal at interzonal travel ay papayagan sa lahat ng edad at comorbidities.

Ngunit nanawagan pa rin ang DOH sa publiko at sa lokal na pamahalaan ng dagdag na responsibilidad at pangangalaga sa sarili kasunod ng pagluluwag ng pamahalaan sa polisiya sa pagsusuot ng face mask sa labas at loob ng mga establisyimento.

Tags: , ,