Nat’l COVID-19 vaccination drive, muling ilulunsad sa Dec. 5-7

by Radyo La Verdad | November 23, 2022 (Wednesday) | 345

METRO MANILA – Muling maglulunsad ng national COVID-19 vaccination drive ang Department of Health (DOH) sa December 5-7.

Ito ay upang mas mapataas ang bilang ng mga nababakunahan na mga Pilipino laban sa mga nakakamatay na sakit.

Ayon kay DOH Officer in Charge Maria Rosario Vergeire, ipa-prayoridad nila sa gagawing bakunahang bayan, ang mga bata edad 5 hanggang 11 na hindi pa nababakunahan ng unang booster dose.

Dagdag pa ni Vergeire palalakasin nila ang koordinasyon sa iba’t ibang organisasyon para mas makahikayat ng mga magpapabakuna.

Tags: