Nat’l Center For Mental Health Crisis Hotline, inilunsad na ng DOH

by Radyo La Verdad | May 2, 2019 (Thursday) | 8090

METRO MANILA, Philippines – Pormal nang inilunsad ng Department Of Health (DOH) ngayong araw, May 2, 2019 ang  National Center For Mental Health Crisis Hotline. Ito ay kaalinsabay ng pagpapatupad ng Implementing Rules And Regulations ng Mental Health Act sa bansa.

Mas malawak itong hotline dahil hindi lamang ito para sa suicide concerns ng ating mga kababayan.

Bukas ang hotline 24/7 upang makinig at magbigay payo sa lahat ng mga may pinagdadaanang krisis sa buhay. Maging ito ay substance or drug abuse, school and career issues, identity crisis at iba pang bagay na bumabagabag sa isang tao.

Libre ito at confidential na tawag na pangangasiwan ng DOH kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng DILG, DOLE at DepEd.

Sa pamamagitan ng hotline maalalayan ang isang taong nangangailangan ng makakausap at mapagsasabihan ng saloobin. May mga ekseperto sa iba’t ibang larangan ng mental health upang umasiste sa lahat ng mga tatawag sa 24/7 hotline.

Sa lahat ng nangangailangan ng makakausap at mahihingan ng tulong kaugnay ng kanilang mental health crisis maaaring tumawag sa National Center For Mental Health Crisis  24/7 hotline: 0917-899-8727 (USAP) at 989-8727 (USAP).

(Aiko Miguel | UNTV NEWS)

Tags: , , ,