National ID System, lusot na sa second reading sa Lower House

by Radyo La Verdad | May 7, 2015 (Thursday) | 1408

IMAGE__FEB182013_UNTV-News_CONGRESS

Sa unang pagkakataon ay lumusot sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang panukalang National ID System.

Sa ilalim ng Filipino Identification System, magkakaroon na lang ng iisang government issued ID na gagamitin sa mga transaksyon na maglalaman ng basic information ng card holder.

May katapat na parusa ang sinumang magbibigay ng maling impormasyon sa kanilang ID, kabilang ang multang kalahating milyong piso at pagkakakulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon.

Kapag public official ang lumabag, dagdag na parusa ang pagbabawal na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Bago makapasa sa ikalawang pagbasa, tinangka pa itong harangin ng mga militanteng kongresista sa paniwalang lalabag ang National ID System sa karapatang pantao.

Tags: ,