Nasugatan sa banggaan ng tricycle at truck sa Bacolod City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | December 12, 2016 (Monday) | 1049

lalaine_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng tricycle at ten wheeled truck sa San Juan Street, Brgy. Sum-Ag, Bacolod City pasado alas onse kagabi.

Apat ang sugatan sa insidente. Isa sa mga ito ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team.

Kinilala itong si Jason Barbon dies y nuwebe anyos at residente ng Brgy. Sum-Ag, Bacolod City.

Nagtamo ito ng malalim na sugat sa kanang paa, kaliwang tuhod at gasgas sa kanang kamay.

Ang tatlong iba pang sugatan ay tinulungan naman ng Amity Volunteer Fire Brigade at Lifesaver.

Pagkatapos lapatan ng paunang lunas ay dinala na ang mga biktima sa Corazon Locsin Memorial Regional Hospital.

Ayon sa driver ng ten wheeled truck binabaybay nito ang madilim na bahagi ng San Juan Street nang may biglang bumangga sa kanya ang tricycle na may anim na pasahero.

Ayon sa biktimang si Jason, nakainom umano ang driver ng tricycle at walang ilaw ang motor nito.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: ,