Umabot na sa tatlumpu’t anim ang nasawi habang isandaan at limampu na ang sugatan sa pagsabog sa entrance ng Ataturk airport sa Istanbul, Turkey.
Ayon sa mga otoridad, isa sa tatlong suicide bomber ang nagawa pang magpaputok sa mga pulis bago pasabugin ang sarili.
Bunsod nito nagpalabas na ng travel alert ang Turkish government sa mga maglalakbay at turista lalo na sa mga pangunahing syudad ng Istanbul at Ankara.
Inaalam na ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng pagatake.
Tags: 150 sugatan, 36 ang patay, pagsabog sa Turkish airport
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com