Nasawi sa COVID-19 sa Pilipinas 5 na; kumpirmadong kaso umakyat na sa 52

by Erika Endraca | March 13, 2020 (Friday) | 1247

METRO MANILA – Kinumpirma ng Department Of Health (DOH) na nasawi na noong March 11 dahil sa COVID-19 ang Patient Number 37 at ang magasawang Patient Number 5 at 6, lahat sila ay pawang mga Pilipino.

Ang Patient Number 5 ay ang 62 taong gulang na taga Cainta Rizal na napabalitang palaging pumupunta sa prayer hall Green Hills mall sa San Juan City.

Ayon sa DOH, severe pneumonia ang dahilan ng pagkamatay ng magasawang pasyente. Ang patient number 37 ay isa namang 88 taong gulang na taga Pasig City na walang travel history sa ibang bansa nasawi naman ito dahil sa acute respiratory failure.

Samantala 3 naman ang nadagdag sa bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease sa bansa.

Ito ay ang ang Patient Number 50, 51 at 52. Dalawa mga ito ay babae edad 69 at 79 na taong gulang at isang lalaki edad 26 anyos.

Case numbers 50 at 51 ay parehas na residente ng Quezon City at kapwa walang travel history abroad at wala ring exposure sa mga COVID-19 positive.

Bineberipika pa ng DOH kung taga saan si case number 52 na may travel history sa United Kingdom. Sa kabuoan 5 na ang bilang ng mga nasawi sa Pilipinas dahil sa COVID-19.

Hinihikayat ni health Sec Francisco Duque III ang publiko na makiisa para sa imbestigasyon at contact tracing upang hindi na kumalat lalo ang COVID-19 sa Piliipinas

(Aiko Miguel | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: