Nasa kalahating bilyong piso, nasunog lang sa pagpapalit ng taon

by Radyo La Verdad | January 2, 2018 (Tuesday) | 2965

Pasiklaban sa fireworks display ang mga bansa sa pagpapalit ng taon. Sa New Zealand, nagliwanag ang Sky Tower sa Auckland dahil sa multi-colored fireworks display.

Sampung minuto naman tumagal ang palabas sa Victoria Harbour sa Hongkong. Aabot sa 3,000 fireworks ang sinindihan sa Yokohama, Japan.

Sa Dubai ay walang sinindihang fireworks pero light show naman ang isinagawa doon. Sa Taipei 101 sa Taiwan, “2018 Happy Together” naman ang tema ng palabas. Gumastos ang pamahalaan ng Taiwan ng nasa 17 million Taiwan dollars o aabot sa 2 million US dollars, sa Hongkong ay umabot sa 2.1 million dollars, sa Melbourne ay 2.3 million dollars at ang ginastos ng bansang Sydney ay umabot sa 5.4 million dollars.

Sa apat na lugar na ito, tinatayang aabot na sa kalahating bilyong piso ang nasunog na pera sa loob lamang ng isang gabi.

 

( Amiel Pascual / UNTV Correspondent )

Tags: , ,