Napaulat na panibagong kidnapping incident ng Abu Sayyaf sa mga Indonesian national sa Sabah, Malaysia, patuloy na kinukumpirma ng AFP

by Radyo La Verdad | July 11, 2016 (Monday) | 2565

ROSALIE_AFP
Panibagong insidente ng kidnapping ang naitala sa east coast ng Sabah, Borneo Island Malaysia noong Sabado.

Ayon sa ulat ng Sabah Police, tatlong crew ng isang Indonesian Tugboat ang dinukot ng mga armadong lalake na hinihinalng miyembro ng Abu Sayyaf lulan ng isang speed boat.

Patuloy naman ang pagkalap ng impormasyon ng militar hinggil sa panibagong kidnapping incident.

Samantala, closely coordinated naman sa mga lider ng lokal ng pamahalaan sa Basilan ang ginawang focused military operations ng AFP.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya, gaya ng kaniyang ipinangako, 24 hours, 7 days a week ang pagtugis na ginagawa ng magkasanib na pwersa ng Philippine Navy, Airforce at army.

Nangako rin ang mga tagapanguna ng lokal na pamahalaan sa militar na tutulong sa pagsugpo ng suliranin hinggil sa bandidong grupong Abu Sayyaf.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,