Posibleng mai-proklama na sa susunod na linggo ang nanalong presidente at bise-presidente sa nakalipas na national elections.
Ayon kay Senate Contingent of the National Board Of Canvassers Head Senator Koko Pimentel, ito ay dahil sa mabilis na proseso sa canvassing ng mga boto.
Sa unang araw ng canvassing ay apatnaput walo sa isandaan at animnapu’t limang certificates of canvass ang nabuksan na ng NBOC.
Apatnaputlima dito ang nabilang habang tatlo naman ang na-defer dahil sa pagkakaiba ng numero o discrepancy na nasa electronically transmitted COCs at physically delivered COCs.
(Jerico Albano / UNTV Correspondent)
Tags: Nanalong presidente at bise presidente, susunod na linggo