METRO MANILA, Philippines – Matindi ang pagkamuhi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sinapit ng isang dalagita sa Cebu na pinatay at binalatan ang mukha.
Isinisisi ito ng Punong Ehekutibo sa iligal na droga, na dahilan ng pagkasira ng law and order sa bansa.
Ginawa ng Punong Ehekutibo ang pahayag sa PDP Laban campaign rally sa Cauayan, Isabela nitong Miyerkules ng gabi, March 13, 2019.
Natagpuang walang buhay si Cristine Silawan, isang grade 9 student sa isang bakanteng lote sa Lapu-lapu City, Cebu noong linggo. Tadtad ito ng saksak at binalatan ang kaniyang mukha.
Samantala, nais namang bigyan ng pabuya ni Pangulong Duterte ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakapatay sa big-time party drug supplier na si Steve “John” Pasion.
Ayon sa Pangulo, may gantimpala ang mga naturang PDEA agent.
Napatay si Pasion sa isang buy-bust operation sa Ata. Cruz Manila Lunes ng gabi, March 13, 2019 matapos manlaban sa mga otoridad.
Si Pasion ang sinsabing big time dealer ng party drugs sa Metro Manila.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Dalagita binalatan ang mukha, Kinundena ni Pangulong Duterte, Pagpatay sa dalagita sa Cebu, Pinatay sa Lapu-lapu