NAIA expressway project, posibleng matapos sa August 2016 – DPWH

by Radyo La Verdad | February 17, 2016 (Wednesday) | 1080

NAIA-expressway-project
Hindi pa masabi ng Department of Public Works and Highways o DPWH kung matatapos sa loob ng tatlong buwan ang test fitting sa pagdudugtong ng NAIA Expressway phase 2 project at sa phase one sa may Villamor Airbase sa Sales Road sa Pasay City.

Kaya naman umaapela ang DPWH sa publiko na iwasan muna ang Sales Road at Andrews Avenue na patungo sa NAIA Terminal.

Ang 15 billion peso NAIA Expressway Project ay isa sa mga priority project ng administrasyong Aquino na nasa ilalim ng Public Private Partnership Program.

Posibleng matapos ang proyektong ito sa Agosto ngayong taon.

Naniniwala naman ang mga motorista na makatutulong ang NAIA Expressway Project upang mapabilis at maging madali ang biyahe patungo at sa mga magmumula ng airport terminals.

(Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: