Nag-iisang nahuling suspek sa Belgium terror attacks, pinalaya

by Radyo La Verdad | March 30, 2016 (Wednesday) | 819

BRUSSELS
Pinakawalan ang nag-iisang suspek na itinuturong may kaugnayan sa madugong pang-aatake sa Brussels.

Ang suspek na si Faycal c ay nauna nang inimbestigahan dahil sa sinasabing siya ang ikatlong suspek na may dala ng hindi sumabog na bomba habang nasa paliparan.

Ngunit ayon sa isang judge walang sapat na ebidensya laban kay Faycal

Samantala sa 35 namatay sa pag-atake sa airport at Maalbeek Metro Station pitong bangkay pa ang hindi pa nakikilala.

Labing dalawa naman sa mga biktima ay mga foreign nationals mula sa The Netherlands, Sweden, Germany, France, The UK, Italy at China.

(UNTV NEWS)