Naaksidenteng motorcycle rider sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 23, 2016 (Tuesday) | 1231

REYNANTE_TMBB
Dinatnan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle rider na nakahandusay pa sa kalsada matapos bumangga ang sinasakyan sa isang delivery truck na may mga kargang yero sa Quirino Highway, Barangay Kaligayahan, Quezon City bandang alas onse kagabi

Agad na tinulungan ng grupo ang biktima na kinilalang si John Paul Patulot, 22 anyos na hindi makakilos ng maayos.

Nagtamo ito ng sugat sa mukha at posibleng head injury.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari, tuamma si John Paul sa nakausling yero na karga ng truck habang pa uturn ito Quirino Highway.

Tumalsik pa umano ng ilang metro ang biktima at tumama ang ulo sa kalsada.

Samantala, matapos malapatan ng pangunang lunas ay dinala na ng UNTV News and Rescue Team ang biktima sa Metro North Medical Center and Hospital para sa iba pang karagdagang atensyong medikal.

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: ,