Naaksidenteng motorcycle rider sa Pampanga, magkatuwang na tinulungan ng UNTV News and Rescue Team at Angeles City Rescue

by Radyo La Verdad | November 11, 2016 (Friday) | 1453

joshua_tmbb
Sugatan ang isang motorcyle rider matapos maaksidente habang binabaybay ang main road sa Barangay Cacutod Epza sa Angeles City, Pampanga mag-a-alas onse kagabi.

Kinilala ang biktima na si Francis Caparas, 21 anyos na nagtamo ng hiwa sa kanang talukap nito at gasgas sa mukha at kamay nito.

Magkatuwang na nilapatan ng paunang lunas UNTV News and Rescue Team at ng Angeles City Rescue Unit ang mga tinamong pinsala ng biktima.

Pagkatapos ay dinala na ng Angeles City Rescue Unit si Francis sa ospital nang Angeles.

Ayon sa mga barangay official na nagpa-patrolya sa lugar, mabilis ang takbo ng motorsiklo ni Caparas na nawalan ng kontrol sa manibela at saka natumba.

Dagdag pa ng mga ito, amoy alak ang biktima na posibleng isa ring dahilan kaya ito naaksidente.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,