Naaksidenteng motorcycle rider sa Camarines Sur, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 26, 2016 (Wednesday) | 923

allan_tmbb
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang 21-anyos na motorcycle rider na naaksidente kaninang alas-dies ng umaga sa Baao, Camarines Sur.

Kwento ng biktimang si Richard Regenales, hindi umano niya napansin ang isang puting crosswind na biglang nag u-turn sa kalsada kaya’t nabanga siya nito.

Nagtamo ng galos sa kanang kamay, tiyan at dalawang paa ang biktima.

Matapos lapatan ng paunang lunas ay agad na dinala ang biktima sa Lourdes Hospital sa Iriga City para sa karagdagang atensyong medikal.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: ,