Naaksidenteng motorcycle rider sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | December 2, 2016 (Friday) | 1226

nestor_tmbb
Nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang sugatang motorcycle rider na naaksidente sa Barangay Burol First sa Balagtas, Bulacan pasado alas nuebe kagabi.

Nabangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa nakahintong tricycle sa gilid ng kalsada.

Kinilala ang biktima na si Jay-ar Guban, bente syete anyos at residente ng Barangay Mabolo, Malolos, Bulacan.

Matapos bigyan ng first aid ang mga tinamong sugat sa mukha at magkabilang tuhod, dinala na ito ng UNTV News and Rescue sa Bulacan Medical Center.

Nagpapasalamat naman ang common-law wife ng biktima sa ginawang tulong ng UNTV.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,