Naaksidenteng driver ng motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | July 26, 2016 (Tuesday) | 1283

NESTOR_TMBB
Nirespondihan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng kotse at motorsiklo sa Mc Arthur Highway sa Barangay Lulomboy, Bocuae, Bulacan, kaninang ala una ng madaling araw.

Nagtamo ng gagas sa mukha, hiwa at sugat sa kaliwang kamay at binti, at posibleng bali sa kaliwang daliri ang driver ng motorsiklo na si Eliazer Inte, kwarenta y tres anyos at residente ng Navotas City.

Matapos lapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue ang biktima ay tumanggi na itong magpadala sa ospital.

Nangako naman ang driver ng kotse na sasagutin nya ang pagpapagawa ng nasirang motorsiklo ng biktima.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,