Naaksidenteng driver ng motorsiklo sa Bacoor, Cavite, tinulungan ng UNTV News & Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 9, 2017 (Monday) | 2351

guiller_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang aksidente sa motorsiklo sa kahabaan ng Molino-Paliparan Road sa Barangay Molino Four, Bacoor City, Cavite noong Sabado ng gabi.

Ayon sa biktima na kinilalang si Rondio Dimetrio, bente nuebe anyos, pauwi na siya galing sa isang kasiyahan ng magitgit ng isa pang motorsiklo na dahilan ng kanyang pagsemplang.

Nagtamo si Dimetrio ng galos sa kamay, paa at tuhod na agad naman nilapatan ng paunang lunas ng grupo.

Matapos bigyan ng first aid ay tumanggi na itong magpadala sa ospital at umuwi na lamang na sakay muli ng kaniyang motorsiklo.

(Guiller Dumaran / UNTV Correspondent)

Tags: , ,