Murray panalo vs Borna Coric ng Croatia sa 2nd round ng Paris Masters

by Radyo La Verdad | November 5, 2015 (Thursday) | 928
Andy Murray(REUTERS)

Andy Murray(REUTERS)

Tinalo ni Andy Murray ang Croatian teenager na si Borna Coric 6-1 6-2 sa second round ng Paris Masters.

Dahil sa panalo naisa-ayos ni Murray ang Davis cup-flavored na sagupaan kay David Goffin ng Belgium.

Magsasagupa ang Britain at Belgium sa Davis cup final sa Ghent mula November 27 hanggang 29 kung saan inaasahang maghaharap sina Murray at Goffin sa singles rubber match.

Naunang nanalo si Goffin laban kay Dusan Lajovic 6-2 6-2.

Sa iba pang laro sa Paris Masters, tinalo ni world number two roger Federer ang itinanghal na kampeon sa katatapos na Basel tournament si Italian Andreas Seppi 6-1 6-1.

Tags: ,