Motorcycle rider na sugatan sa aksidente sa Commonwealth Avenue, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 24, 2017 (Thursday) | 4336

Nakaupo pa sa gutter ng datnan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaking duguan matapos maaksidente sa motorsiklo sa Tandang Sora, Quezon City pasado alas otso kagabi. Nakikila ang biktima na si Jonel Telodio, 29 anyos na residente ng Krus na Ligas, Quezon City.

Ayon sa nakakita ng pangyayari, tumilapon ang biktima mula sa motorsiklo nito matapos bumangga sa isang malaking bato sa gitna ng kalsada.

Nagtamo ng maraming sugat sa mukha at kanang braso ang biktima na nilapatan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Kwento ni Jonel galing siya sa isang kasiyahan at pauwi na sana nang mangyari ang aksidente . Pagkatapos bigyan ng first aid treatment ay dinala ng UNTV News and Rescue Team ang biktima sa East Avenue Medical Center para sa karagdagang atensyong medikal.

 

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,