Motorcycle rider na nabangga ng taxi sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 10, 2016 (Wednesday) | 1120

mbb
Kitang kita sa cctv ng Barangay San Agustin sa Susano Road sa Novaliches, Quezon City ang pagkakabangga ng motorcyle rider sa isang taxi pasado alas onse kagabi.

Sa lakas ng impact sumampa pa ang biktima sa harapang bahagi ng taxi.

Mabilis naman rumisponde ang UNTV News and Rescue Team sa lugar at agad na tinulungan ang biktima na si Rommel Damasco, 27 anyos.

Nilapatan ng grupo ng pangunang lunas ang mga galos at sugat na tinamo nito sa kanyang kaliwang tuhod.

Ayon sa taxi driver na si James Lapide papaliko siya sa heavenly drive nang biglang bumangga sa kanya ang nakamotorsiklo.

Ngunit ayon naman sa mga barangay tanod, makikita sa cctv na walang signal ang taxi na liliko.

Handa naman sagutin ng taxi driver ang pagpapagamot sa biktima sa hospital.

Pagkatapos mabigyan ng first aid ang biktima ay tumanggi na itong magpahatid sa hospital at pinili na lamang na pumunta sa traffic sector -2 para sa imbestigasyon.

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: , ,