Motorcycle rider na naaksidente sa Davao City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | September 17, 2018 (Monday) | 3228

Duguan ang ulo at naka handusay sa daan ang motorcycle rider na ito ng datnan ng UNTV News and Rescue sa Piapi, Boulevard Davao City matapos maaksidente ang minamanehong motor kaninang alas dose ng hating gabi. Kinilala ang rider na si Rosbel Aquilan.

Ayon sa biktima, papauwi na sana siya ng mabangga ang gutter at tumilapon sa kalsada.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari, nag-overtake si Aquilan sa isa pang sasakyan ngunit dahil paliko ang daan at bilis ng pagpapatakbo ng biktima ay nag-overshoot ito at bumangga sa gutter.

Walang suot na helmet ang biktima habang nagmamaneho ng motor.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue ang mga sugat sa noo at ibang bahagi ng katawan ni Aquilan at pagkatapos ay dinala na ito sa Southern Philippines Medical Center.

 

( Dianne Ventura / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,