Motorcycle rider na naaksidente sa Cagayan de Oro City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 29, 2017 (Tuesday) | 4044

Sugatan ang bente sais anyos na si Asneria amin matapos maaksidente ang minamanehong motorsiklo sa Cagayan de Oro City kahapon ng alas dos y medya ng hapon.

Ayon kay Asneria, pauwi na sana siya ng bahay galing sa trabaho nang biglang may tumawid na bata habang binabagtas nya ang kalsada sa brgy. Patag.

Pinilit nyang iwasan ang bata kaya sya nawalan ng kontrol sa manibela at nabuwal ang motorsiklo.

Nagtamo si Asneria ng mga galos sa tuhod at siko. Agad namang nilapatan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima na tumanggi ng magpahatid pa sa ospital.

 

(Bernard Dadis / UNTV Correspondent)

 

 

 

 

Tags: , ,